KATHLEEN YOYCE ELBIT
- Mar 23, 2015
- 2 min read

Ang sayang magbalik tanaw sa nakaraan dahil mas naiintindihan ko kung papaano at kung bakit ang mga bayani natin ay nagbuwis ng buhay. Ang mga lugar at bagay na maaaring makita ay kamangha manghang pag masdan ang ibat ibang pinta ni Juan Luna na isa sa mga nagbigay buhay at nagbigay kulay sa museo ay may kanya kanyang storya na maglalarawan ng kahiwagaan ng nakaraan tulad ng larawan ng mga taong tulong tulong na nagbubuhat ng bahay kubo na nagpapakita ng bayanihan na karaniwang ginagawa ng mga sinaunang Pilipino kahit na sa kasalukuyang panahon, kasama ang mga kagamitan ni Juan Luna sa pag pipinta ay maaaring masaksihan. Ang mga sinaunang banga ay napaka sayang pagmasdan sa natatangi nitong korte at anyo na nagmula sa mga pinatuyong putik. Samantalang ang mga kagamitan sa bahay tulad nga mga kubyertos ay di maaalintanang napakaganda dahil sa mga disenyong nakaukit dito, ang mga kasuotan naman na mabusising ginawa at pinaghirapan ng mga modista noong sinaunang panahon ay di maitatanggi na ang mga Pilipino ay likas na magagaling at matatalino sa lahat ng aspeto ng bagay.
Ang mga lugar na aming nakita ay napakaganda dahil dito mas masasabi mo na napakasaya maging Pilipino dahil sanatatangi nitong kagandahan at mga taong may malasakit sa iba tulad na lamang ng bayani na si Jose Rizal na handing magbuwis ng buhay para sa bansang kanyang sinilangan upang magbigay inspirasyon sa nakararami.
Ang sayang isipin na sa kabila ng mga hirap at saya na dinanas ng mga tao noong sinaunang panahon ay pilit silang bumabangon para sa sariling bansa, pilit na nakikipaglaban para makawala sa rehas ng nakaraan.Ang pagiging Pilipino ay isang prebilehiyo para sa akin dahil sa mayamang kultura at dahil sa mga taong andyan para ikay tulungan sa abot ng kanilang makakaya ito ay hindi dapat ikahiya dahil sa nakaraan ng iyong bansa ngunit dahil kung papaano ang iyong bansa ay bumangon sa hirap na kanilang naranasan.
more about you.
Comments