top of page

DANILO SILVIO BANIAGO

  • Mar 23, 2015
  • 3 min read

IMG_20150315_142246.jpg

Ang pagbisita sa mga lugar na gumawa ng historya sa ating bansa at mga lugar na pinag lalagyan ng mga sinaunang kagamitan na ginamit ng mga iba`t ibang lahi na sumakop sa ating bansa. Isa na dito ang Fort Santiago na kilala dahil dito kinulong ang ating bayani na si Dr. Jose P. Rizal. Kakaiba ang aking naramdaman habang naglalakad sa lugar kung saan madaming pinag malupitan habang nakakulong noong kolonisasyon. Kung susuriin mo ang lugar, sobrang stratehiya ang kanilang ginawa upang nakasisigurado sila na walang makakatakas sa mga bilanggo noong unang panahon. Matataas at makakapal na pader ang aking nakita, sa pag akyat sa pinaka taas na dati`y pinag lalagyan ng mga kanyon at iba`t ibang armas na gamit na ginagamit nila sa pakikipag laban. Malalalim na lugar na pawang hindi ka bubuhayin kapag ika`y inilagay o tumira sa ganong lugar.


Ako ay lalong namangha nung nakita ko ang ka isa isang sinuot ni Dr. Jose Rizal noong sya`y nakikipag laban ng SKRIMA. Kung mapapansin mo ang kasuotan na iyon ay luma na at naninilaw sa sobrang tagal ng dekada na naka lagay lugar na iyon. At hindi mawawala ang mga lugar kung saan nag uusap usap ang iba`t ibang tao na may katungkulan sa lugar na iyon nung unang panahon. Nandun din ang kanyang lugar na kung saan tila sya ay nag susulat. May isang bagay na pumukay ng aking attention ng makababa ako sa isang lugar na walang makikita kundi puro dilim lamang. Sa unang baba ko sa lugar na iyon ay nakaramdam ako ng kaba gayon man ang pag bisita ko sa lugar na iyon ay madaming tanong na gumagambala sa aking isipan na gusto ko sagutin mismo ng mga tao na unang nakaranas noong World War II .


Alam ko na ngayon kung bakit ito ang pinili ng mga teacher na bisitahin ng mga estudyante tulad ko ay dahil bukod sa mura affordable ang entrance na 50 pesos sa estudyante at 25 sa mga adult ay bukod sa magagandang tanawin, makakakita ka din ng mga sinaunang bagay na ginamit noong World War II at ang unang una sa lahat ay magkakaroon ka din ng kaalaman pag pasok at pag labas ng Fort Santiago.


Ang pangalawa naming binisita ay ang National Museum na kung saan makikita ang mga lugar kung saan sinisimbolo ang ating mga cultura at ang mga sinaunang bagay na ginamit ng mga dayuhan at maging ang ating mga kababayan ay mahigpit na kinaiingatan. Isa na dito ang helmet na ginamit ng mga espanyol na pawang gawa sa alloy at napaka gandang pagmasdan. May nakita din ako na isang parte ng espada na hinukay pa sa pinaka ilalim na dagat at nandun din ang mga ginamit na parte ng barko nung World War II. Pinakita din sa lugar na yon kung paano ginagawa ang mga damit at kung saan gawa ang mga kasuotan nung sinaunang panahon. Kakaiba ang aking naramdaman sa pagbisita sa mga lugar na gumawa ng mga historya sa ating bansa at ang lugar kung saan nakalagay ang mga kagamitan nung hindi pa ako pinapanganak nung unang panahon. Sulit ang aking pagpunta dun dahil hindi lang magagandang tanawin ang aking mga nakita kundi panibagong kaalaman na pwede kong ibahagi sa mga susunod pang henerasyon, kaalaman na pwede kong ikwento sa magiging anak ko at maging sa magiging mga apo ko. Ipahayag ang mga nangyari noong sinaunang panahon sa pamamagitan ng mga lugar at mga larawan na nakalagay sa National Museum at Fort Santiago. Kung mapapansin natin napaka swerte natin ngayon dahil hindi natin naranasan yung mga bagay na naranasan nila nung sinakop tayo ng mga dayuhan tulad ng hapon.


 
 
 

Comments


Featured Review
Check back soon
Once posts are published, you’ll see them here.
Tag Cloud

© 2023 by The Book Lover. Proudly created with Wix.com

bottom of page