ANGELIE OLANA
- Mar 23, 2015
- 2 min read

Sinalubong kami ni haring araw sa pagdating namin sa maynila.Mabuti na lamang at may dala akong payong ,hindi ako masyadong naapektuhan ng sinag nito.Habang papalapit na kami sa aming eksaktong pupuntahan,ang tanyag na pambansang museo,bunalot ako ng mga katanungan. Anung meron sa loob nito??Maganda kaya dun? Mag eenjoy kaya ako? Ito kauna unahang pagkakataon na mabibisita ko ito.
Bumungad samin ang isang imprastraktura na talagang nagpamangha sakin. Nagagalak ako sapagkat meron pala tayong ganito na talaga namang maipagmamalaki. Mas nakapukaw sakin ng atensyon yung mga disenyo na nakaukit sa gusali. Ito'y napakaganda at masasabi mong dalubhasa ang gumawa nito.Mas namangha pako ng makapasok na ako sa loob. Mga bagay na hindi ko inakalang meron pala tayo.Tulad ng mga paintings na talagang nagpatayo ng aking mga balahibo. Napakaganda at masasabi mong hindi ito ordinaryo .Ito ay likha ng mga dalubhasang pintor tulad antonio luna, nepumuceno at iba pa.At ang mga inukit na bato,kamangha mangha talaga ! napakagaling at masasabi mong detalyado talaga ang pagkakagawa.At ang mga sinaunang mga kasuotan ay bumida din duon.Yung mga makinang ginagamit sa paggawa ng damit ay nakakagulat din. Nagpadagdag din sa atraksyon ang mga kagamitan nuong unang panahon.Hindi ko mapigilan ang aking paghanga sa ating mga ninuno sa taglay nilang talino at galing.
Sumunod na aming pinuntahan ay ang Intramuros. Pagpasok mo palang sa lugar maiisip mong wala ka dito sa pilipinas.Bawat gusaling aming madaanan ay magbibigay ng ngiti sa aking mga labi.Pakiramdam ko napakaswerte ko sapagkat akoy isang pilipino. Higit pa akong nasiyahan ng marating namen ang fort santiago kung san matatagpuan ang mga ilang kagamitan ng ating pambansang bayaning si Dr.Jose Rizal.
Namumukadkad ang ganda ng lugar, napreserba talaga ito ng maayos. May mga dayuhan kaming nakasabay sa aming pamamasyal, at makikita mo sa kanila ang paghanga dito.Bakas sa kanilang mga mukha ang pagkasabik habang minamasdan ang lugar.
Hindi parin mawala ang ngiti saking mga labi habang unti unti kaming lumalayo sa lugar.Sana lang tumagal ang lugar na ito ng makita pa ng mga susunod na henerasyon .Masarap sa pakiramdam na makasaksi ng mga ganitong klaseng lugar.Mga lugar na nagpapahiwatig satin na dapat maging proud tayo sapagkat tayo'y pilipino.
Comments