top of page

SARA ESTANISLAO

  • Feb 15, 2015
  • 2 min read

IMG_20150315_144641.jpg

Sa aming pag punta sa mga makasaysayang lugar sa Pilipinas kami ay namangha sa mga makasaysayang bagay na aming nakita sa National Museum na makikita ang pagkamalikhain ng mga sinaunang mga Pilipino pagdating sa pag gawa ng damit at sa mga bagay na ginamit sa paggawa nito pati na ang mga palamuting kanilang ginamit noon at ang mga bagay na kanilang ginamit sa pagluluto at maraming pang iba. Makikita mo dito ang mga gamit na matagal ng pinag iingatan mga gamit na kabilang sa ating kasaysayan. Nakakatuwang isipin na ito’y na pag iingatan at di pinapabayaan.


Nung kami ay pumunta na sa intramuros nakita namin ang iba't ibang makasaysayang lugar sa Pilipinas at isa na dito ay ang lugar na pinag ganapan ng pag hihingi ng tawad ng mga hapon dahil sa pangyayari noong World War II at sa aking pagbabasa doon sa nakasulat sa MEMORARE nakaramdam ako ng lungkot dahil naalala ko yung mga hirap na naranasan ng mga Pilipino sa mga kamay ng mga hapon. At Sa kahabaan nito ay nadoon ang Manila Cathedral at ang Fort Santiago kung saan ang pinaka makasaysayang lugar para sa ating pambansang bayani. Ang Instramuros ay napakagandang lugar na kahit napakatagal ng panahon ay namumutawi pa rin ang mga pangyayari noon.


At ang pinaka gusto ko sa aming mga napuntahan ay ang Fort Santiago, nakita namin ang mga gamit ni Dr.Jose Rizal pati na yung lugar na pinagkulungan sa kaniya. Maraming nakamamanghang lugar ang aming nakita sa Fort Santiago kung saan masasariwa mo ang mga nangyari noong mga panahon na nasakop ito ng mga espanyol. Makikita mo ang mga huling yapak ni Dr.Rizal bago sya kitilan ng buhay. Bilang isang studyante ang pag lalakbay na ito ay isang malaking parte sa aming buhay na makakatulong upang mas lalo pa naming ma maintindihan ang kasaysayan ng Pilipinas.


Ang makasaysayang mga lugar na ito ay dapat pag ingatan at bigyang pag pupursigi na mas lalo pang mabigyang halaga. Ito ang mga lugar na magandang pasyalan ng mga kabataan at ng buong pamilya dahil madami silang makukuhang aral na dapat nilang tandaan. Maaring sa pag lipas ng panahon ay makalimutan na ito pero dapat nating tandaan na ang bawat lugar sa maynila ay may malaking na imbag sa ating kasaysayan.


 
 
 

Comments


Featured Review
Check back soon
Once posts are published, you’ll see them here.
Tag Cloud

© 2023 by The Book Lover. Proudly created with Wix.com

bottom of page