top of page

REYNA VICTORIA CABALQUINTO

  • Feb 15, 2015
  • 2 min read

IMG_20150315_142236.jpg

Sa aming mga napuntahang lugar namangha ako sa aking nakita, Ang ganda ng lugar lalo na yung mga gusali mismo pati narin ang mga likha ng magagaling na pintor at iba’t iba pang bagay, Ang pinaka nagustuhan kong lugar na pinuntahan namin ay ang Fort Santiago at sa tingin ko pati ang mga ka grupo ko ay nagustuhan rin, Pag pasok ko palang sa loob nagandahan na agad ako sa mga lumang gusali na halatang noong mga panahon pa ng kastila tinayo, ang daming mga pangyayari ang pumasok sa isip ko kung ano ang itsura nang lugar na yon nung mga panahong buhay pa si Rizal mga panahong may mga kastila pa at kung ano ang buong itsura nun noong mga panahon na hindi pa sira ang ibang gusali, At pati yung footsteps ni Dr. Jose Rizal.


Napakaganda talaga sa Fort Santiago kasi parang babalik ka sa nakaraan at mas lalong talagang nakakaproud maging pilipino, Gustong gusto naming makapunta sa ilalim yung parang mga kweba kaya lang bawal, nanghihinayang din ako sa mga gusaling nasira dahil sa WWII kung sakaling buo parin yun siguro eh talagang makikita naten kung ano talaga at gano kaganda ang lugar na yun. Dun naman sa mga na puntahan naming iba may napansin din kaming mga kagamitan talagang luma na, tulad nalang ng kanyon na ginagamit sa pag gera, may nakita din kami yung mga ibat ibang uri ng banga na ang iba ay galing pa sa china, may nakita din kame yung mga sulat mangyan na nakaukit sa mga kahoy, may mga lumang plato din , atsaka pati ang itsura ng bangka dati nakita rin namin .


Nakita rin namin yung mga damit ng mga dating pilipino na talagang masinsinang ginawa, napanuod ko din kung pano ginawa yung damit at mahirap talaga siyang gawin, yung mga suot at ginagamit na pandamit ng mga sinaunang tao nakakatuwang isipin na ang damit dati ay paghihirapan muna bago mag kakakaroon ng masusuot, dun mo lang talaga marerealize kung gano kahalaga yung damit karamihan kasi sa tao ngayon pinapabayaan lang damit nila sabagay kasi di naman hand made. Kapag nag punta ka talaga dun madami kang marerealize, lalo na yung mga yapak ni Rizal kung bakit ganon kaliit yung mga hakbang niya sabi daw kasi ng kaibigan ko dahil daw kasi mamamatay na siya sa araw na yun kaya nililiitan lang daw niya hakbang niya.


Ang saya nang paglilibot namin habang nagkakatuwaan kayo eh talagang may natutunan din at makakakita pa ng magagandang tanawin, napansin din namin na sa mga pinuntahan namin may mga foreigner na naglilibot siguro ay interesado sila sa nakaraan natin, nakakalungkot isipin pero ganon talaga maraming taga labas ng bansa ang namamangha sa kasaysayan natin pero ang mga kabataan ngayon ay isinasawalang bahala na lang at parang wala ng pakelam sa nakaraan ng ating bansa, kung atin naman talagang susuriin eh napakaganda talaga ng ating kasaysayan mula sa pagpunta ni Magellan dito sa pilipinas hanggang sa pag alis ng mga Amerikano makikita mong marami talagang mga bayani na handang ipaglalaban ang ating bansa dahil mahal nila ito at ayaw ipasakop sa iba.



 
 
 

Comments


Featured Review
Check back soon
Once posts are published, you’ll see them here.
Tag Cloud

© 2023 by The Book Lover. Proudly created with Wix.com

bottom of page