top of page

PRINCESS IGNACIO

  • Feb 15, 2015
  • 2 min read

IMG_20150315_142613.jpg

Ang historical tour na naganap ay isang malaking tulong saming mga studyante upang maintindihan at maunawaan pa lalo ang mga naganap noong unang panahon. Ako at ang mga kasama ko ay namangha sa aming mga nasaksihan at napuntahan. AngLuneta o mas kilala noon dati na bagumbayan, Pambansang Museo, Fort Santiago na nasa kahabaan lamang ng Intramuros ay kay gandang pasyalan. Nakakatuwang isipin na ang lugar na ito ay na papangalagaan at nabibigyan pa rin ng halaga. Magagamit ito bilang isang instrument sa mga susunod na hinerasyon upang malaman nila kung saan ang mga importanteng pook ang nasa maynila.

Sa aming pag lilibot sa maynila marami kaming nakuhang aral maramin kaming nakitang mahahalagang lugar na bahagi na ng kasaysayan magpakailanman. Kung ang lugar na ito ay iyong mapupuntahan mapapaisip ka na lamang kung ano ba ang kanilang buhay na dinaranas noong mga panahon na iyon mga panahon na sila ay nasa digmaan. Katulad na lamang ng aming pagbisita sa Luneta kung saan pinatay ang ating pambansang bayani, kung sasariwain mo ang naganap noong mga panahon na iyon labis na maawa ang iyong puso.


Ang pagbisita sa Pambansang Museo ay mahalaga doon mo makikita ang mga sinaunang kagamitan at mga importanteng kayamanan n gating bansa. Doon din makikita mo ang ibat ibat mga larawan at mga pinta ng ilang magigiting na tao nung kanilang mga kapanahunan. Nakakabigay ito ng inspirasyon sa mga taong makakakita dahil ipinapakita ditto ang ibat ibang lugar na bahagi ng kasaysayan. Sa aming pag lalakad an gaming sunod na pinuntahan ay ang intramuros sa kabahaan noon ay andoon ang Fort Santiago amin ding nakita ang Manila Cathedral at marami pang iba na kasama sa ating kasaysayan.


Ang pag punta sa Fort Santiago ang labis kong ikinatuwa ang daming mamahalagang parte ng lugar ang dapat mong puntahan at suriing mabuti at dahil na rin iyon ang una kong pag punta sa lugar na iyon. Mula sa mga bilangguan, ang makakapal na bato mga gusali na may awang para sa kanyon, hanggang sa pag pasok namin kung saan makikita ang mga kagamitan na ginamit ni Rizal nung sya ay nabubuhay. Ang kanyang mga huling yapak at ang kanya huling paalam. Lahat ng bagay na aming nakita ay mahalaga at nakakatuwa lang isipin na napangalagaan itong mabuti.


Sa aming paglalakbay na ito naging inspirasyon ito para sa aking upang lalong pahalagahan at ingatan ang mga bagay bagay na dapat bigyang halaga. Ito ay makakatulong satin upang madagdagan ang ating kaalaman. Isang inspirasyon na dapat protektahan at ipagmalaki sa iba. Sa paglipas ng panahon ang mga lugar na ito ay hindi maaring kalimutan. Lagi nating tatandaan na ito ay bahagi na ng ating buhay.


 
 
 

Comments


Featured Review
Check back soon
Once posts are published, you’ll see them here.
Tag Cloud

© 2023 by The Book Lover. Proudly created with Wix.com

bottom of page