top of page

MELVIN ESTANISLAO

  • Feb 15, 2015
  • 2 min read

IMG_20150315_142355.jpg

Napakasaya ng nangyari sa amin sa ginawa naming Historical Tour kung saan nakatulong ito sa amin ng malaki na kilalanin ang mga taong nagambag ng malaki sa ating kasaysayan at mabigyan ng halaga ang mga lugar ng pinagganapan ng mga ito nangyari sa ating bansa. Ang saya ng naramdaman ko ng nakapunta sa National Museum kung nakita ko ang mga larawang na ginuhit base sa totoong nangyari sa ating bansa ng tayo ay sinakop at ang mga ginawang istatwa ni Guillermo F. Tolentino isa sa sikat na manguukit ng ating bansa. Sa kabilang gusali naman makikita ang mga sinaunang kagamitan ng mga Pilipino tulad ng mga paso kasuotan at mga marami pang iba. Ang napagtuonan ko ng matagal na pansin ay ang mga litrato kung saan pinapahirapan tayo ng mga Hapon kung saan ginagahasa ang mga babae, binubugbog at pinapatay ang mga kalalakihan at tinitusok ang mga bata at sanggol ng walang kaawaawa.


Naisip ko lang na kung pwede ibalik ang nakaraan kung saan may magagawa ako para sa ating mga kababayan ay gagawin ko, ngunit lipas na ang nangyari at di na muling maibabalik pa. Pero ang mga bagay na ito'y ay nagsilbing magandang alaala na maalala natin ang mga taong ito na nagbuwis ng kanilang buhay para sa minimithing kapayapaan. Nalulungkot ako na masaya ng makita ko ang mga larawang ito, lagi itong magpapaalala sa akin at sa buong pilipino na nagbibigay halaga sa mga bagay na ito. Masayang masaya ako at nakapunta ako dito sa National Museum kahit wala kaming malaking pera na dala para sa bagay na ganito.


Lalong lalo kaming sumaya ng makapunta na kami sa Intramuros at Port Santiago. Nagumpisa ang paglalakbay ng makita na namin ang harapan ng Intramuros at sa paglalakad namin marami kaming nakita na mga gusali na para kaming nasaan panahon ng kastila at may mga nakita kami na tindahan na kung saan may mga mabibili na souvenir. Nakita din namin kung saan ang ibang mga hapon ay humingi ng tawad sa mga Pilipino sa bandang gitna ng Intramuros. Hindi man namin nalibot ang boung Intramuros at nakita ang marami pang mga magagandang guasli at tanawin masayang masaya na kami at nakatungtong kami sa makasaysayang lugar na ito. Nang malapit na namin matapos ang paglalakad sa Intramuros patunong Port Santiago, lalong lalong nadagdagan ang aming saya.


Nang makapasok na kami dun sa Port Santiago, marami na naman kaming nakita na magagandang mga tanawin ng at kung saan namalagi si Rizal bago sya patayin. Nandoon din ang ibang mga bagay na ginamit ni Rizal sa dulo ng aking kinuwento na ito ang reaksyon ko ay sobrang saya na kahit sa sarili ko ay nahihirapan akong ipaliwanag ang nararamdaman ko ng nandito ako sa mga oras na yun. Nagpapasalamat ako sa aming Proffesor na si sir Fulo dahil binigyan nya kami ng ganitong aktibidades sana maulit ito masayang pangyayari na to.


 
 
 

Comments


Featured Review
Check back soon
Once posts are published, you’ll see them here.
Tag Cloud

© 2023 by The Book Lover. Proudly created with Wix.com

bottom of page